Asian Pacific Islander Legislative CaucusAsian Pacific Islander Legislative CaucusCalifornia State Assembly

English
Chinese
Korean
Vietnamese
Ang Pangunahing Pahina
Ano ang Bago
Mga Kasapi
Pahayag ng Layunin
Kasaysayan
Mga Pahayag Pang-balita
Mga Pinahahalagahan
Album ng mga Larawan
Mga Lathalain
Mga Gamit-yaman
DisclaimerAssembly Democratic Caucus
Mga Gamit-yaman

Mag-klik sa ibaba para sa mga sumusunod na gamit-yaman:
Mga Gamit-yaman ng Komunidad | Mga Gamit-yaman para sa Mag-aaral

Mga Gamit-yaman para sa Mag-aaral

Mga Pagkakataon para sa Internship at Fellowship para sa mga Amerikanong Asyano-Pasipiko
Interesado sa Pampublikong Patakaran

Pangalan: OCA Summer Scholarship
Organisasyon: Organization of Chinese Americans (OCA)
Puntirya: Ang maisangkot ang mga APA sa prosesong pampolitika sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa isang proyekto sa pambansang tanggapan ng OCA sa Washington DC at pakikipagpulungan sa mga APA ukol sa mga paninindigan sa patakaran.
Website: www.ocanatl.org
Email: oca@ocanatl.org
Telepono: (202) 223-5500

Pangalan: Mike M. Masaoka Fellowship Fund
Organisasyon
: Japanese American Citizens League
Puntirya: Paglinang ng pamumuno sa paninilbihan ng komnidad sa pamamagitan ng paglalagak sa isang tanggapang pang-kongreso ng APA
Website: www.jacl.org
Email: jacl@jacl.org
Telepono: (415) 921-5225

Pangalan: APAICS Summer Internship Program
Organisasyon
: Asian Pacific American Institute for Congressional Studies (APAICS)
Puntirya: Ang pag-ibayuhin ang paglahok ng mga Amerikanong Asyano-Pasipiko sa prosesong demokratiko sa antas na pambansa, pang-estado at lokal sa pamamagitan ng paglalagak ng mga mag-aaral ng APA sa mga pasanayang trabaho (internships) sa pangasiwaang pang-kongreso at pang-federal.
Website: www.apaics.org
Email: apaics@apaics.org
Telepono: (202) 547-9100

Pangalan: Chinese American Student Internship Coalition (CASIC) Program
Organisasyon: Center for Asian Americans United for Self Empowerment (CAUSE)
Puntirya: Inilalagak ang mga sumasailaim sa pasanayang-trabaho sa iba’t-ibang mga tanggapang pang-politika at pang-halalan sa mga antas ng lokal, estado at federal sa loob ng anim na linggo bawat taon. Ang layunin ng pasanayang-trabaho ay ang hikayatin ang mga batang Tsino-Amerikano na lumahok sa proseso ng demokratikong politika at ang tuwiran nilang maranasan kung paano tumatakbo ang politikang pang-halalan.
Website: www.causeusa.org
Email: casic_intern@yahoo.com
Telepono: (626) 307-3882

Pangalan: CAPA Summer Internship Program
Organisasyon: Chinese American Political Association (CAPA)
Puntirya: ang maturuan ang mga mag-aaral ukol sa proseso ng politika sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa mga aktibidad ng edukasyon, pagsasanay at pagtrabaho sa tanggapan ng isang naihalal na pampublikong opisyal.
Website: http://www.capa-news.org
Email: drhui@aol.com
Telepono: N/A

Pangalan: NAPALC Internship
Organisasyon: National Asian Pacific American Legal Consortium (NAPALC)
Puntirya: Ang paramihin ang mga di pa nakapagtatapos na mag-aaral na Amerikanong Asyano-Pasipiko na nagtatrabaho sa mga isyung may kinalaman sa karapatang pangmamamayan ng mga Amerikanong Asyano-Pasipiko. Isang tinig na kilala sa buong bansa at kumakatawan sa mga Amerikanong Asyano-Pasipiko, nakatutok ang pagkadalubhasa ng samahan na ito sa pag-iwas sa karahasang nakabaling sa mga Asyano at sa edukasyon, mga karapatan sa pagboto, pandarayuhan, naturalisasyon, affirmative action o ang kilusan laban sa pagtatangi, mga karapatan sa wika, at ang census.
Website: www.napalc.org
Email: dviyer@napalc.org
Telepono: (202) 296-2300

Pangalan: NAPALC Legal Fellowship
Organisasyon: National Asian Pacific American Legal Consortium (NAPALC)
Puntirya: Ang paramihin ang mga mag-aaral ng abogasya na Amerikanong Asyano-Pasipiko na nagtatrabaho sa mga isyung may kinalaman sa karapatang pangmamamayan ng mga Amerikanong Asyano-Pasipiko. Isang tinig na kilala sa buong bansa at kumakatawan sa mga Amerikanong Asyano-Pasipiko, nakatutok ang pagkadalubhasa ng samahan na ito sa pag-iwas sa karahasang nakabaling sa mga Asyano at sa edukasyon, mga karapatan sa pagboto, pandarayuhan, naturalisasyon, affirmative action o ang kilusan laban sa pagtatangi, mga karapatan sa wika, at ang census.
Website: www.napalc.org
Email: dviyer@napalc.org
Telepono: (202) 296-2300

Pangalan: AEF Community Service Fellowship
Organisasyon: Asian Pacific American Bar Association Educational Fund (AEF)
Puntirya: Ang makapagdulot ng pagkakataon sa mga mag-aaral ng abogasya na makakuha ng isang posisyn sa pasanayang pagtrabaho (internship) sa loob ng isang organisasyong may kinalaman sa pampublikong interes na nagsusumikap na mapagsilbihan ang komunidad ng mga Amerikanong Asyano-Pasipiko sa kalakhang Washington, D.C. o ang pangkalahatang komunidad sa kalakhan.
Website: http://www.aef-apaba.org
Telepono: (202) 347-5634

Pangalan: The U.S. Dept Of Commerce/ Ronald H. Brown Commercial Service Fellowship Program
The U.S. Dept of State Foreign Affairs Fellowship Program
The Institute For International Public Policy (IIPP)
Organisasyon: The Woodrow Wilson National Fellowship Foundation
Puntirya: Ang mga Programa sa Pampublikong Patakaran at Ugnayang Pang-Internasyonal ng Woodrow Wilson National Fellowship Foundation ay nagsusumikap upang makabuo ng susunod na henerasyon na may taglay na pamumuno at adhikain para sa patakaran. Ang mga programa ay dinisenyo upang mapag-ibayo ang mga kumakatawan ng mga mag-aaral ng minority na matagal nang nagkukulang sa kinatawan para sa mga larangan ng pampublikong patakaran at ugnayang pang-internasyonal.
Website: www.woodrow.org/public-policy
Email: sylvia@woodrow.org
Telepo no: (609) 452-7007

Pangalan: Leadership in Action Summer Internship
Organisasyon: Leadership Education For Asian Pacifics, Inc. (LEAP)
Puntirya: Isang programa ng summer internship na dinisenyo upang mapaglinang ang mga umuusbong na pamunuhan sa pamamagitan ng pagdudulot ng mga pagkakataon sa mga mag-aaral sa kolehiyo upang magkaroon sila ng direktang karanasan sa pagtatrabaho sa mga piling organisasyong di-nagpapatubo sa Timog California na para sa mga Amerikanong Asyano-Pasipiko.
Website: www.leap.org
Email: mszeto@leap.org
Telepono: (213) 485-1422, Ex.4118

Pangalan: Senate Associate Fellowship
Jesse Marvin Unruh Assembly Fellowship
Executive Fellowship
Judiciary Fellowship

Organisasyon: Center for California Studies, CSU-Sacramento, California Legislature
Punirya: Nagdudulot ng totohanang karanasan sa politika at patakarang pampubliko sa loob ng iba’t-ibang mga sangay ng pamahalaan ng Estado ng California. Maraming mga programang full-time na sinusuportahan ng mga seminar sa mga nagtapos na at mga talakayan sa mga propesyonal sa patakarang pampubliko.
Website: www.csus.edu/calst/Programs/programs.html
Email: calstudies@csus.edu
Telepono: (916) 278-6906

Pangalan: Ë%Daniel K. Inouye Fellowship
Organisasyon: Asian Pacific American Institute for Congressional Studies (APAICS)
Puntirya: Ang hikayatin ang isang nagtapos ng kolehiyo na may takdang-paglilingkod sa komunidad na Amerikanong Asyano-Pasipiko na kumuha ng isang karera sa patakarang pampubliko. Ang fellow ay inilalagak sa tanggapan ng APAICS o di kaya’y sa tanggapan ng isang kasapi ng kongreso o ng kumite sa kongreso, isang ahensyang pang-federal, o isang organisasyong di-nagpapatubo sa larangan ng patakarang pampubliko.
Website: www.apaics.org
Email: apaics@apaics.org
Telepono: (202) 547-9100

Pangalan: Anheuser-Busch/Frank Horton Fellowship
Organisasyon: Asian Pacific American Institute for Congressional Studies (APAICS)
Puntirya: Ang hikayatin ang isang nagtapos ng kolehiyo na may takdang-paglilingkod sa komunidad na Amerikanong Asyano-Pasipiko na kumuha ng isang karera sa patakarang pampubliko. Depende sa kagustuhan niya at sa kanyang mga layunin sa karera, ang fellow ay inilalagak sa tanggapan ng APAICS o di kaya’y sa tanggapan ng isang kasapi ng kongreso o ng kumite sa kongreso, isang ahensyang pang-federal, o isang organisasyong di-nagpapatubo sa larangan ng patakarang pampubliko.
Website: www.apaics.org
Email: apaics@apaics.org
Telepono: (202) 547-9100

Pangalan: The Paul & Daisy Soros Fellowships for New Americans
Organisasyon: Open Society Institute, Soros Foundation
Puntirya: Ang makapagdulot ng mga pagkakataon para sa mga nagpapatuloy na henerasyon ng mga may-kakayahan at may-nakamit na mga bagong Amerikano upang maging mga pinuno sa kani-kanilang mga piniling larangan at ang maranasan ang “American dream.” Ang mga fellows ay kailangang nakapagpatunay ng potensyal sa mga larangan kung saan ay nagahangad sila ng karagdagang edukasyon, kailangan ay may kakayahan sila sa pagka-malikhain, tiyaga at trabaho; at kailangan ay nakatutok sila sa mga pinahahalagahang katangian ng saligang-batas ng Estados Unidos at sa kartilya ng mga karapatan, na siyang pumoprotekta sa "American dream.”
Website: www.pdsoros.org
Email: pdsoros_fellows@sorosny.org
Telepono: (212) 333-9741

Pangalan: CORO Fellowship Program
Organisasyon: CORO
Puntirya: Isang programa sa pagkakaroon ng karanasang mamuno para sa mga nagsipagtapos na nagpapakilalala ng mga sari-sari, matatalino at masisigasig na batang tagapagsilbi ng publiko sa lahat ng mga aspeto ng larangan ng ugnayang pampubliko.
Website: www.coro.org/
Email: national@coro.org
Telepono: (816) 931-0751

Pangalan: The Greenlining Institute Academy Fellowship Program
Organisasyon: The Greenlining Institute
Puntirya: Isang taunang programa para sa pagsasanay ng pamunuhan para sa mga mag-aaral na may iba’t-ibang pinagmulang etniko na nagsipagtapos ng kahit man lang ang kanilang di-gradwadong pag-aaral at naghahangad ng karanasan na makapagtrabaho sa paglinang ng ekonomiya para sa mga may mabababang kita at mga minority.
Website: www.greenlining.org/
Email: questions@greenlining.org
Telepono: (510) 926-4000

Pangalan: Fulbright Fellowship (for international study and research)
Organisasyon: International Institute for Education
Puntirya: Ang Institute of International Education ay isa sa mga nangunguna sa daigdig sa pang-internasyonal na palitan ng mga tao at ideya. Isang independente at di-nagpapatubong organisasyon na itinatag noong 1919, ang IIE ay may 19 tanggapan sa buong mundo, higit sa mga 800 na kasapi ng IIE Network sa kolehiyo at unibersidad, at higit sa 5,000 na mga boluntaryo. Ang IIE ay nagdidisenyo at nagpapatupad ng mga programa ng pag-aaral at pasanayan para sa mga mag-aaral, tagapagturo, mga batang propesyonal at mga nagsasanay sa lahat ng mga sektor na nakakatanggap ng pondo mula sa mga ahensya ng pamahalaan, foundation at korporasyon. Kabilang sa mga programa na ito ay ang Fulbright and Humphrey Fellowships, na pinangangasiwaan para sa U.S. Department of State, at ang programang People, Energy, and Development na pinangangasiwaan para sa USAID. Nagsasagawa din ang IIE ng pananaliksik ukol sa patakaran, at nagdudulot ng pagpapayo at pagpapatnubay ukol sa mga pagkakataong sa pang-internasyonal na edukasyon sa ibang bansa.
Website: www.iie.org
Telepono: (212) 883-8200 - Washington, D.C. Headquarters

Tanggapan sa Kapitolyo Tagapagpatnubay
Kapitolyo ng Estado
P.O. Box 942849
Sacramento, CA 94249-0049
Pam Chueh
Telepono: 916-319-3686
Fax: 916-319-3628
Email: Pam.Chueh@asm.ca.gov