|
Ang Tipunan sa Batasan ng Taga-Islang Asyano-Pasipiko sa California (California Asian Pacific Islander Legislative Caucus) ay kumakatawan sa, at isinusulong ang, mga interes ng iba't-ibang mga komunidad ng API sa buong California. Hinahangad nitong mapag-ibayo ang paglahok at pagkakaroon ng kinatawan ng mga Taga-Islang Asyano Pasipiko sa lahat ng mga antas ng pamahalaan.
Sa mga layunin nito, hinahangad ng Tipunan na:
- Mapag-ibayo ang pagkakaroon ng kinatawan ng mga API sa lahat ng mga antas ng pamahalaan, kabilang ang mga naitatalagang panunungkulan sa buong estado at sa mga naihahalal na posisyon sa buong estado.
- Tiyakin na ang komunidad ng API ay may kaparehong kakayahang makakuha ng edukasyon, mga serbisyong pang-lipunan, kalusugan, kalusugan ng kaisipan, at iba pang mga programa at serbisyong pang-pamahalaan.
- Panatilihin ang mga program sa pagtiyak ng kalusugan, kalusugan ng kaisipan at serbisyong pang-lipunan na naninilbihan sa komunidad ng API.
- Tiyakin na mayroong magagamit na wika at mga serbisyong angkop sa kultura sa mga programa ng pamahalaan.
- Pagtibayin ang mga proteksyon laban sa mga krimen sa pagtatangi at ipagtanggol ang mga karapatang-pantao at mga kalayaan ng mga API.
- Labanan ang mga pagkakahon ayon sa lahi at mga negatibong pagtatanghal ukol sa mga API sa media.
- Isulong ang mas matinding paglahok ng mga mamamayan at kaalaman ukol sa mga malalaking isyu sa patakaran sa mga komunidad ng API.
- Itaguyod ang interes at komunikasyon ng lahat sa iba’t-ibang mga komunidad ng API.
|