Asian Pacific Islander Legislative CaucusAsian Pacific Islander Legislative CaucusCalifornia State Assembly

English
Chinese
Korean
Vietnamese
Ang Pangunahing Pahina
Ano ang Bago
Mga Kasapi
Pahayag ng Layunin
Kasaysayan
Mga Pahayag Pang-balita
Mga Pinahahalagahan
Album ng mga Larawan
Mga Lathalain
Mga Gamit-yaman
DisclaimerAssembly Democratic Caucus
Mga Pinahahalagahan

Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2003 | Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2004
Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2005| Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2006
Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2004 | Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2004
200Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2005| Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2006


Mga Pinahahalagahan sa Batasan sa 2006

ACR 56 (Chu) – Itinataguyod ng panukalang ito ang buwan ng Hunyo bilang buwan ng Hate Crimes Awareness upang maisulong ang kamalayan at mahikayat ang pag-uulat ng mga krimen sa pagtatangi (hate crimes) at ating mga sariling komunidad.

ACR 112 (Chan) - Itinataguyod na mayroong pagkakaiba sa dami ng mga may impeksyong chronic Hepatitis B sa mga Asyano at mga Amerikanong Taga-islang Pasipiko (API), kumpara sa iba pang mga pangkat ng etniko at lahi. Hinihikayat ng ACR 112 ang komunidad na pang-medikal at pang-kalusugang pampubliko na iangat ang kamalayan ukol sa mga paglipana ng mga impesyon ng hepatitis B (HBV) sa mga Amerikanong API. Hinihimok din ng panukalang ito ang komunidad na pang-medikal na bigyang-diin sa mga magulang ang panganailangang makumpleto ng kani-kanilang mga anak ang serye ng bakuna ng HBV na may tatlong dosis, at upang hikayatin ang mga programa sa pagbakuna ng HBV sa California upang mapuntirya ang mga kabataang API na lubhang nanganganib bilang pagsusumikap na mabawasan ang dami ng taong taglay ang ganitong impeksyon sa populasyong ito.

AB 630 (Chu) – Itinatakda ng panukalang ito sa mga pasiguruhan ng kumpanya (corporate sureties) na abisuhan nila ang lokal na district attorney o city attorney na sumasakop sa tanggapan ng tagapagpayo sa pandarayuhan (immigration consultant) sa loob ng 30 araw mula sa petsa na ang isang immigration consultant bond ay makansela, mawalang-bisa, o bumaba sa pinakamababang itinatakdang antas ng bond na $50,000.  Bukod dito, ang kasalukuyang kinakailangang paunawa na ipinapadala ng pasiguruhan ng kumpanya sa tagapayo ng pandarayuhan, ay magkakaroon ng kaakibat na babala na kinakailangang abisuhan ng pasiguruhan ng kumpanya ang city attorney o district attorney kung ang bond ay kinansela o iniurong.

AB 680 (Chan) – Pinag-iibayo ang mga pagkakataon para sa pagkakasangkot ng magulang sa edukasyong K-12 sa pamamagitan ng pagpapatibay ng pagsunod sa Education Code Section 48985, na itinatakdang maisalin-wika ng mga distritong pang-paaralan ang mga paunawa at materyales para sa mga magulang patungo sa mga pangunahing wika ng mga malalaking populasyon na Nagsisipag-aral ng Wikang Ingles (English Language Learner).

AB 1056 (Chu) – Itinataguyod ng AB 1056 ang isang programa sa paggawad sa pasimunong proyekto (pilot project grant program) upang makatulong na maisama ang ugnayan sa pagitan ng pangkat at pagtuturo ng pakikisama (tolerance) sa kasalukuyang balangkas ng pagtuturo ng Kasaysayan (History) at Agham Panlipunan (Social Science).  Titiyain ng programang ito na ang mga paaralan ay magkakaroon ng mga kasangkapan upang matugunan ang paglaganap ng mga insidenteng hinimok ng pagtatangi (bias-motivated) na nagaganap sa mga paaralan sa California.

AB 2152 (Chan) - Ipapawalang-bisa ang pagbubukod sa kasalukuyang batas na nagbibigay-daan sa mga duktor, surgeon, dentista, o podiatrist na magsagawa ng acupuncture nang walang pagsasanay.  Sa halip ay itatakda ng AB 2152 sa sinumang indibidwal na nagsasagawa ng acupuncture bilang hanapbuhay na tuparin ang mga pangangailangang sa edukasyon at pagsasanay alinsunod sa Acupuncture Licensure Act at kumuha ng isang lisensya sa acupuncture. 

AB 2233 (Chan) - Muling magtataguyod, ayon sa kontrata, ng mga tanggapan sa pangangalakal sa Asya, Gitnang SIlangan, Europa at Mehiko.  Alinsunod sa mga iminungkahi ng State Auditor sa isang ulat sa pag-awdit noong taong 2001 na pinamagatang Technology, Trade and Commerce Agency, hinihiling ng panukala na maitaguyod ng bawat tanggapan sa pangangalakal ang isang pang-matagalang proseso sa mala-istratehiyang pagpaplano upang matiyak ang tagumpay nito.  Itinatakda ng ganitong pang-matagalang mala-istratehiyang pagpaplano na tukuyin ng mga tanggapan sa pangangalakal ang isang misyon, alamin ang mga layuning may kaugnayan sa resulta na makabuluhn para sa misyon, at tukuyin ang mga sinukat na puntirya para sa mga layunin.  Bilang pagsubaybay sa mga tanggapan sa pangangalakal, kailangang magsumite ng mga tanggapan ng isang taunang ulat sa Kalihim ng Negosyo, Transportasyon at Pabahay (Secretary of Business, Transportation and Housing), at kailangang magpagawa ang Kalihim ng isang independenteng pag-aaral ukol sa bisa ng mga tanggapan sa pangangalakal at isumite ang mga resulta ng pag-aaral sa Batasan nang hindi lalampas sa Enero 1, 2011.

AB 2287 (Chu) – Tinutukoy ng panukalang ito ang paggamit ng "Acupuncture and Electroacupuncture: Evidence Based Treatment Guidelines, August 2004" sa Labor Code Section 4600 bilang pamantayan sa paggamit ng paggamot na acupuncture sa programa ng estado sa pagbabayad sa mga manggagawa (state workers compensation program).

AB 2420 (Lieu) - Magdudulot ng isa sa maraming mga hakbang tungo sa pagtustos sa iba't-ibang mga pangangailangan ng komunidad ng API sa pamamagitan ng pagtatakda sa mga ahensya ng estado, komisyon, at lupon na gumamit ng mga kategorya sa pagkolekta para sa mga pangkat-etniko ng API na kasalukuyang kalat-kalat at iniulat ng U.S. Census. Sa kasalukuyang ay itinatakda ng batas ng California na kolektahin ng estado ang kalat-kalat na data para sa mga sumusunod na pangkat-etnikong API:  Chinese, Japanese, Filipino, Korean, Vietnamese, Asian Indian, Hawaiian, Guamanian, Samoan, Laotian, at Cambodian.  Subatli, hindi kasama sa listahan na ito ang maraming mga pangkat-etnikong API.  Itatakda ng AB 2420 ang mga ahensya ng estado na kumolekta ng data para sa karagadagang mga pangkat-etnikong API, kabilang ang Hmong, Tongan, Thai, Pakistani, Bangladeshi, Sri Lankan, Malaysian, Indonesian, Taiwanese, at Fijian.

AB 2510 (Lieu) - Babaguhin ang isang sarbey na isinasagawa sa buong estado tuwing makalawang taon sa mga mag-aaral na nasa ika-7, 9, at 11 na baitang upang maisama nito ang mga katanungan ukol sa mga insidente ng pag-aalipusta (bullying) at panggigipit (harassment), kabilang ang pagtatangi at insidenteng may kinalaman sa lahi.  Sa kasalukuyan, ang mga pangunahing itinatanong ng sarbey ay may kinalaman sa pag-aabuso ng droga at alak.  Sanhi ng panukalang ito ay may mabubuo ding hiwalay na ulat na mismong sumusuri sa pagtatangi at insidenteng may kinalaman bukod sa kabuuang ulat ukol sa mga resulta ng sarbey.  Tutulong ang AB 2510 ang estado na sukatin nang mas mahusay ang pagtatangi at insidenteng may kinalaman sa lahi na nagaganap sa mga paaralan, at pati na din ang antas kung paano napanghahawakan ng mga mag-aaral ang mga ganoong insidente.

Tanggapan sa Kapitolyo Tagapagpatnubay
Kapitolyo ng Estado
P.O. Box 942849
Sacramento, CA 94249-0049
Pam Chueh
Telepono: 916-319-3686
Fax: 916-319-3628
Email: Pam.Chueh@asm.ca.gov