Asian Pacific Islander Legislative CaucusAsian Pacific Islander Legislative CaucusCalifornia State Assembly

English
Chinese
Korean
Vietnamese
Ang Pangunahing Pahina
Ano ang Bago
Mga Kasapi
Pahayag ng Layunin
Kasaysayan
Mga Pahayag Pang-balita
Mga Pinahahalagahan
Album ng mga Larawan
Mga Lathalain
Mga Gamit-yaman
DisclaimerAssembly Democratic Caucus
Mga Pinahahalagahan

Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2003 | Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2004
Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2005 | Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2006
Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2004 | Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2004
Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2005 Legislative Priorities | Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2006


Mga Pinahahalagahan sa Batasan sa 2005

AB 172 (Chan) - Nagtataguyod ng isang boluntaryo at pinopondohan ng publiko na de-kalidad na programang preschool-para-sa-lahat at kinililala ang mga pakinabang at laganap na pangangailangan para sa de-kalidad na pre-school para sa mga kabataan, mga pamilya, ang sistema ng K-12 ng estado, ang ekonomiya nito at ang kalidad ng pamumuhay.

Katayuan: nasa Senate Education Committee

AB 680 (Chan) - Pinag-iibayo ang mga pagkakataon para sa pagkakasangkot ng magulang sa edukasyong K-12 sa pamamagitan ng pagpapatibay ng pagsunod sa Education Code Section 48985, na itinatakdang maisalin-wika ng mga distritong pang-paaralan ang mga paunawa at materyales para sa mga magulang patungo sa mga pangunahing wika ng mga malalaking populasyon na Nagsisipag-aral ng Wikang Ingles (English Language Learner).

Katayuan: nasa Assembly Floor

AB 772 (Chan) - Iinataguyod ang programang California Healthy Kids, na magdudulot ng mga pagpipilian sa pasiguruhang pang-kalusugan para sa lahat ng mga kabataang walang pasiguruhan.

Katayuan: Sumailalim sa Veto ng Gobernador

AB 775 (Yee) - Pinagbabawalan ang mga samahan na nakakatanggap ng pondo sa estado na gamitin ang mga kabataan bilang mga tagasalin-bigkas para sa pagkilala at paggamot ng karamadamang pang-medikal.

Katayuan: nasa Senate Judiciary Committee

AB 800 (Yee) - Itinatakda na maisali ng mga ospital at klinika ang pangunahing wika na sinasalita ng isang pasyente sa kanyang talaan upang mas mapadali ang komunikasyon sa pagitan ng mga tauhan ng ospital at mga pasyente.

Katayuan: Nilagdaan ng Gobernador

AB 1015 (Chu) - Itinatakda na panatilihin ng Attorney General ang isang pondohan ng hilaw na datos para sa lahat ng mga ulat ng krimeng may kinalaman sa pagtatangi (hate crime) na natanggap mula sa mga lokal departamento ng pulisiya at sa mga tanggapan ng sheriff.

Katayuan: nasa Assembly Public Safety Committee

AB 1113 (Yee) - Binibigyang-pahintulot ang mga acupuncturist na kumilala ng karamdaman ayon sa saklaw ng kanilang propesyon, sa gayon ay magiging pormal ang kasalukuyang propesyon at maisasa-uri ang deka-dekadang mga ligal na saloobin ng estado.

Katayuan: Sumailalim sa Veto ng Gobernador

AB 1114 (Yee) - Nirerepaso ang Business and Professions Code 4945 upang mapag-ibayo ang patuloy na pangangailangan sa edukasyon para sa muling pagpapabisa ng lisensya sa acupuncture mula sa tatlumpung oras hanggang sa limampung oras sa loob ng dalawang-taong panahon ng lisensya. Ang panukalang ito ay magtataglay din ng isang tiyak na paglalaan para sa mga oras ng patuloy na edukasyon na magbibigay-pakinabang sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Katayuan: Nilagdaan ng Gobernador

AB 1115 (Yee) - Itinataguyod ang posisyon at titulo na “acupuncture assistant” at pinagbaawalan ang acupuncture assistant na gampanan ang mga tungkulin o responsibilidad na mismong inilaan para sa mga acupuncturist alinsunod sa kanilang lisensy at pagsasanay.

Katayuan: Sumailalim sa Veto ng Gobernador

Tanggapan sa Kapitolyo Tagapagpatnubay
Kapitolyo ng Estado
P.O. Box 942849
Sacramento, CA 94249-0049
Pam Chueh
Telepono: 916-319-3686
Fax: 916-319-3628
Email: Pam.Chueh@asm.ca.gov