Asian Pacific Islander Legislative CaucusAsian Pacific Islander Legislative CaucusCalifornia State Assembly

English
Chinese
Korean
Vietnamese
Ang Pangunahing Pahina
Ano ang Bago
Mga Kasapi
Pahayag ng Layunin
Kasaysayan
Mga Pahayag Pang-balita
Mga Pinahahalagahan
Album ng mga Larawan
Mga Lathalain
Mga Gamit-yaman
DisclaimerAssembly Democratic Caucus
Mga Pinahahalagahan

Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2003 | Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2004
Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2005 | Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2006
Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2004 | Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2004
Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2005 | Mga Pinahahalagahan sa Pagbabatas sa 2006


Mga Pinahahalagahan sa Batasan sa 2004

AJR 64 - Kinokondena ang pag-aalipusta at karahasan laban sa mga Amerikanong Arabo, Timog-Asya, Muslim at Sikh.

Resulta: Tinanggap ng Batrasan

AB 292 - Pinagbabawalan ang mga ahensya ng pamahalaan at mga pribadong samahan na tumanggap ng pagpopondo mula sa estado na gamitin ang mga batang hindi aabot sa edad na 15 taong gulang bilang mga tagasalin-bikgkas nang may tiyak na pagbubukod para sa mga emergency at mga simpleng katanungan sa mga ahensya na pinakikinabangan ng publiko..

Katayuan: Tinanggap ng Assembly at sa Senate Appropriations Committee

AB 2189 - Pinagtitibay ang mga proteksyon laban sa panlilinlang ng mga tagapatnubay sa mga mandarayhan sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga kumpanya na nangangasiwa ng corporate surety bond na abisuhan nila ang mga tanggapan ng local district attorney o city attorney kapag napaso na o kinansela sa Estado ang bond na itinatada para sa bawat tagapatnubay ng mandaryuhan. Ang mga bond na ito ay nagbibigay-daan upang mabawi ng mga parokyano ang mga pinsala mula sa isang tagapatnubay kung sakaling may maganap na panlilinlang. Sa kasalukuyan, hindi alam ng mga tanggapan ng local district attorney at city attorney offices kung napaso na ang isang bond o kung ito ay nakansela na hangga’t walang nagsusumbong na biktima.

Katayuan: Sumailalim sa Veto ng Gobernador

AB 2191 - Binabago ang batas upang sa ilang mga pagkakataon kung saan ang isang kinasuhan ay napawalang-sala sanhi ng pagkabaliw (insanity), ang biktima ay aabisuhan kapag ang kinasuhan ay pakakawalan na sa komunida sa ilalim ng sinusubaybayang pagpapalaya (Conditional Release Program). Ang panukala ay nagdudulot din sa (mga) biktima o sa mga pinakamalapit na kamag-anak nito ng karapatan na makapagsumite ng isang nakasulat na pahayag para sa pagdining ng kundisyonal na pagpapalaya sa harap ng hukuman.

Katayuan: Sumailalim sa Veto ng Gobernador

AB 2324 - Binibigyang-pansin ang mga pagkakaiba sa kalusugan ayon sa lahi at etniko sa pamamagitan ng, bukod sa iba pang mga bagay, pagpapalawak ng pangangalap ng data at pagbubunsod ng mga ahensya ng pamahalaan upang mapagtuunan ang mga “pinagmulang sanhi” ng mga pagkakaiba sa kalusugan.

Katayuan: Nakasampa sa Assembly Appropriations Committee

AB 2408 - Pinagtitibay ang mga pangangailangan ng ukol sa pagkakaroon ng mga tauhang nagsasalita ng dalawang wika sa estado sa ilalim ng Dymally-Alatorre Bilingual Services Act at tinitiyak na ang mga ahensya ng estado ay magkakaroon ng sagutin sa pagsunod sa kasalukuyang batas ng estado.

Katayuan: Sumailalim sa Veto ng Gobernador

AB 2428 - Pinagtitibay ang pagprotekta sa mga biktima ng krimen sa pagtatangi at sa kani-kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagdudulot ng isang utos sa pagprotekta sa kawalan ng mga mapag-usig na sitwasyon upang mapigilan ang lumalabag na magkaroon ng komunikasyon at ugnayan sa mga biktima matapos siyang pakawalan, at pinahuhusay ang kakayahan ng Estado upang maituwid ang mga gumawa ng krimen sa pagtatangi nang may magagamit na naaangkop na pagsasanay para sa pagiging mapag-unawa.

Katayuan: Nilagdaan ng Gobernador

Tanggapan sa Kapitolyo Tagapagpatnubay
Kapitolyo ng Estado
P.O. Box 942849
Sacramento, CA 94249-0049
Pam Chueh
Telepono: 916-319-3686
Fax: 916-319-3628
Email: Pam.Chueh@asm.ca.gov