|
|||||||||||||||||
|
Mga Pinahahalagahan | ||||||||||||||||
|
Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2003 | Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2004 Mga Pinahahalagahan sa Batasan sa 2003 AB 154 (Chan) - itinatakda ang mga health plan na lumalahok sa Healthy Families Program at Medi-Cal na magsumite ng mga taunang ulat ukol sa pagdudulot ng mga serbisyong naaangkop sa kultura at sa wika. Katayuan: Nakasampa sa Assembly Appropriations Committee. AB 292 (Yee) - pinagbabawalan ang mga ahensya ng pamahalaan at mga pribadong samahan na tumanggap ng pagpopondo mula sa estado na gamitin ang mga batang hindi aabot sa edad na 15 taong gulang bilang mga tagasalin-bikgkas nang may tiyak na pagbubukod para sa mga emergency at mga simpleng katanungan sa mga ahensya na pinakikinabangan ng publiko. Katayuan: Nakasampa sa Senate Appropriations Committee. AB 309 (Chu) – Nilagdaan ng Gobernador - pinalalawak ang mga proteksyon sa mamimili na kasalukuyang napapakinabangan ng mga nagsasalita ng Espanyol upang maisali na din ang mga nagsasalita ng Chinese, Tagalog, Vietnamese, at Korean. Ang panukalang-batas na ito ay idinulog upang palawakin ang proteksyon ng bahaging 1632 ng California Civil Code sa mga malalaking komunidad ng wikang Asyano bilang tugon sa di-umano’y nakapanlilinlang na aktibidad ng mga mapagsamantalang negosyo na gumagamit ng mga taong tagapagbenta na nagsasalita ng dalawang wika upang makipag-negosasyon para sa mga kontrata sa mga mamimili na may limitadong kakayahang makapagsalita ng Ingles gamit ang wikang sinasalita nila, ngunit nagbibigay sa mga mamimili ng mga kontratang nasa wiakng Ingles na may makabuluhang pagkakaiba mula sa mga tuntunin at kundisyon na kanilang napagkasunduan. AB 526 (Chan) – Sumailalim sa Veto ng Gobernador - nagtataguyod ng isang pilot program sa Alameda County upang suiriin ang pagkabisa ng pagrerehistro ng mga botante sa Araw ng Halalan. AJR 30 (Tipunan ng Batasan ng API) - Tinanggap ng Lahat ng nasa Assembly at Senate – kinokondena ang mga pahayag na inilabas ni United States Congressman Howard Coble (R-NC) na nagsasabing makatuwiran ang pagkakakulong ng mga Hapong-Amerikano noong Ikalawng Digmaang Pandaigdig, at inuudyok siyang humingi ng dispensa at hinihikayat siyang magbitiw sa pagiging Tagapangulo ng U.S. House Judiciary Subcommittee on Crime, Terrorism, and Homeland Security. |
|||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||