Asian Pacific Islander Legislative CaucusAsian Pacific Islander Legislative CaucusCalifornia State Assembly

English
Chinese
Korean
Vietnamese
Ang Pangunahing Pahina
Ano ang Bago
Mga Kasapi
Pahayag ng Layunin
Kasaysayan
Mga Pahayag Pang-balita
Mga Pinahahalagahan
Album ng mga Larawan
Mga Lathalain
Mga Gamit-yaman
DisclaimerAssembly Democratic Caucus
Kasaysayan

Mag-click sa Ibaba upang makita ang karagdagang Kasaysayan ng Tipunan ng API Caucus:
Tipunan sa Batasan ng Taga-Islang Asyano-Pasipiko sa California

Isang Kasaysayan ng mg Asyano-Amerikano sa Batasan ng California

May kabuuang labing-pitong Asyano-Amerikano ang nakapagsilbi na sa Batasan ng California. Sa kasalukuyang ay siyam ang naninilbihan sa Assembly. Ito ay sina: Wilma Chan (D-Oakland), Judy Chu (D-Monterey Park), Shirley Horton (R-Chula Vista), Ted Lieu (D-Torrance), Carol Liu (D-La Cañada Flintridge), Alan Nakanishi (R-Lodi), Alberto Torrcio (D-Newark), Van Tran (R-Costa Mesa), at Leland Yee (D-San Francisco).

Kabilang sa mga nakaraang Taga-Islang Asyano-Pasipiko na nanilbihan sa Batasan ng California ay sina:

Alfred Song

Si Alfred Song ang naging unang Asyano-Amerikano at Koreano-Amerikano na manilbihan sa Batasan nang siya ay naihalal sa Assembly noong 1961. Bago siya maihalal, si G. Song ay nanilbihan sa U.S. Air Force noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang kauna-unahang kumisyunadong opisyal na Koreano-Amerikano. Sinimulan niya ang kanyang karera sa serbisyo-publiko bilang kauna-unahang Asyano-Amerikano sa Konseho ng Lungsod ng Monterey Park noong 1960. Apat na taon makalipas ang kanyang kauna-unahang pagkahalal sa Assembly, si G. Song ay naihalal sa Senado ng EStado. Kabilang sa kanyang mga nakamit sa loob ng kanyang apat na beses na pagkakaupo sa Senado ay ang pagiging Punong-Silya ng Senate Judiciary Committee at ang pagtataguyod at pagiging Tagapangulo ng Senate Democratic Caucus.

March Fong Eu

Si March Fong Eu ang naging unang babaeng Asyano-Amerikano at unang Tsino-Amerikano na maihalal sa Batasan noong 1966. Siya ang naging kinatawan ng 15th Assembly District, na sakop ang Alameda County. Nagtapos si Bb. Fong Eu ng Doctorate of Education sa Stanford University at nanilbihan sa Alameda County Board of Education nang tatlong beses bago siya maihalal sa Assembly. Natatandaan pa din siya sa kanyang mga pagsusumikap sa pagbabatas sa ngalan ng pagpapanatili ng kalikasan at sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga kababaihan. Si Bb. Fong Eu ay nanilbihan sa mga kumite ng Education and Public Health, at siya ang naging bise na Tagapangulo ng Committee on Revenue and Taxation. Matapos na mianilbihan sa State Assembly, si Bb. Fong Eu ay nagpatuloy upang maging kauna-unahang babae at Asyano-Amerikano na maihalal sa isang posisyong pang-estado bilang Kalihim ng Estado (Secretary of State).

Tom Hom

Ang pagkakahalal ni Tom Hom sa State Assembly noong 1967 ay nagpadami ng bilang ng mga APA sa Batasan upang maging tatlo na sila. Si G. Hom ay kumatawan sa 79th District mula sa San Diego at nanilbihan siya nang isang beses. Siya ang naging kauna-unahang Tsino-Amerikano na manilbihan sa Batasan.

Paul Bannai

Noong 1972, si Paul Bannai ay naging kauna-unahang Hapon-Amerikano na maihalal sa Batasan ng Estado. Isang beterano ng United States Army Intelligence Service, sinimulan ni G. Bannai ang kanyang karera sa serbisyo-publiko bilang isang kasapi ng konseho para sa lungsod ng Gardena. Kumatawan siya sa 53rd Assembly District nang apat beses hanggang 1980. Kabilang sa mga kumite na pinagsilbihan ni G. Bannai ay ang Criminal Justice, Finance and Insurance, Veterans Affairs, Ways and Means, and Rules.

Floyd Mori

Si Floyd Mori ay naihalal sa Assembly noong 1974 upang kumatawan sa 15th Assembly District at nanilbihan siya nang tatlong beses hanggang 1980. Nanilbihan siy bilang alkalde at kasapi ng konseho para sa Konseho ng Lungsod ng Pleasanton bago siya maihalal sa Assembly. Dating isang propesor ng economics sa kolehiyo, sa G. Mori ay naging isang aktibong kasapi ng komunidad at sa kasalukuyan ay pangulo siya ng National Japanese American Citizens League.

Nao Takasugi

Lumipas ang isa pang dekada bago may maihalal na Asyano-Amerikano sa Batasan. Si Nao Takasugi ay naihalal sa Assembly noong 1992 at umalis siya noong 1998 sanhi ng paglimita sa tagal ng panunungkulan. Habang siya ay nanunungkulan, nanilbihan siya bilang Tagapangulo ng Committee on Revenue and Taxation. Si Nao Takasugi, na nagtapos sa Temple University at sa Wharton School of Business, ay nanilbihan bilang kasapi ng konseho sa Konseho ng Lungsod ng Oxnard bago siya maihalal sa Assembly. Naninilbihan na siya ngayon bilang Tagapangulo ng Lupon ng mga Direktor ng Oxnard Harbor District .

Mike Honda

Si Mike Honda, Democrat, ay naihalal sa Batasan noong 1996. Si G. Honda ay isang ikatlong-henerasyon na taga-California na nagsimuila ng kanyang karera bilang guro sa sistema ng paaralan ng San Jose at nagpatuloy siya upang manilbihan sa Santa Clara Board of Supervisors. Kabilang sa kanyang mga nakamit bago maihalal ay ang paghinto ng kanyang karera sa kolehiyo upang tumugon sa tawag ng serbisyo-publiko; nanilbihan siya sa Peace Corp. sa loob ng dalawang taon, nagpatayo siya ng mga paaralan at klinikang pang-kalusugan sa El Salvador. Sa karera ni G. Honda bilang tagaturo, naging guro siya ng agham, nanilbihan bilang principal sa dalawang mga pampublikong paaralan, at nagsagawa ng pananaliksik ng edukasyon sa Stanford University. Habang nanunungkulan sa Assembly, si G. Honda ay nanilbihan bilang Tagapangulo ng Committee on Public Employees, Retirement, and Social Security, at ng Committee on Public Safety. Matapos na kumatawan sa 23rd Assembly District mula 1996 hanggang 2000, si G. Honda was ay naihalal sa Kongreso noong taong 2000.

George Nakano

Si Assemblymember George Nakano ay nanilbihan bilang Kasapi ng Konseho ng Lungsod ng Torrance sa loob ng 14 taon bago siya maihalal sa State Assembly noong 1998. Siya ang naging kinatawan ng 53rd District, na sumasaklaw sa katimugang rehiyon sa may dalampasigan ng Los Angeles County. Si Nakano ay itinalaga bilang Speaker noong Enero 2002 upang manilbihan bilang Tagapangulo ng Democratic Caucus, at siya ang naging kauna-unahang Asyano-Amerikano na manungkulan bilang pinuno. Naging kasapi siya ng mga Kumite para sa Veterans Affairs, Transportation, Insurance, Health, Budget, Arts, Entertainment, Sports, Tourism, and Internet Media, at sa Joint Committee to Develop the California Master Plan for Education. Noong Enero 2001, si Nakano ay naihalal ng kanyang mga kasamahan upang manilbihan bilang kauna-unahang Tagapangulo sa pagkakataguyod ng Tipunan sa Batasan ng Taga-Islang Asyano-Pasipiko (Asian Pacific Islander Legislative Caucus). Ang panganay sa apat na mga magkakapatid, si Assemblyman Nakano ay isinilang sa Los Angeles at lumaki sa isang mahirap na purok sa Silangang Los Angeles. Matapos na maikulong siya at ang kanyang pamilya sa loob ng apat na taon sa mga internment camps noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si George ay bumalik sa Los Angeles at nagtapos mula sa John H. Francis Polytechnic High. Si Assemblyman Nakano at ang kanyang asawang si Helen, isang realtor, ay tumira na sa South Bay sa loob ng 42 taon. Mayroon na silang mga anak na malalaki na at dalawang apo.

Tanggapan sa Kapitolyo Tagapagpatnubay
Kapitolyo ng Estado
P.O. Box 942849
Sacramento, CA 94249-0049
Pam Chueh
Telepono: 916-319-3686
Fax: 916-319-3628
Email: Pam.Chueh@asm.ca.gov