|
|||||||||||||||||
|
Kasaysayan | ||||||||||||||||
|
Mag-click sa Ibaba upang matagpuan ang karagdagang Kasaysayan ukol sa Tipunan ng API: Tipunan sa Batasan ng Taga-Islang Asyano-Pasipiko Ang Tipunan sa Batasan ng Taga-Islang Asyano-Pasipiko (California Asian Pacific Islander Legislative Caucus), binuo noong Enero 2001, ay binubuo ng mga Assembly Members na sina Wilma Chan, Judy Chu, Carol Liu, Alberto Torrico, at Leland Yee. Sina State Board of Equalization Member John Chiang at and Acting Board Member Betty Yee ay mga honorary members o mga kasapi bilang parangal sa Tipunan. Impormasyon sa Pinagmulan Tanging iisang Asyano (si Mike Honda) ang naninilbihan sa Batasan nang maihalal si Assembly Member George Nakano (D-Torrance) sa Assembly noong 1998. Ang dalawa ay sabay na nanilbihan hanggang si Honda ay maihalal sa Kongreso noong Nobyembre 2000. Ang halalan noong Nobyembre ay nagdulot din ng dalawa pang mga Asyano-Amerikano sa Batasan sa pagkakahalal ng mga Assembly Members na sina Wilma Chan (D-Oakland) at Carol Liu (D-La Cañada Flintridge). Ito ay nagparami sa bilang ng mga Asyano-Amerikano sa Batasan upang maging tatlo na sila. Habang dumarami ang bilang ng mga Mambabatas na Asyano-Amerikano, ang Speaker noon na si Robert Hertzberg ay opisyal na nagbigay-kapangyarihan sa pagkakabuo ng California Asian Pacific Islander Legislative Caucus noong Enero 2001 kung saan si Nakano ay ang Kauna-unahang Tagapangulo ng Tipunan sa Pagkakatatag nito. Noong Mayo 2001, si Assembly Member Judy Chu (D-Monterey Park) ay naihalal sa Assembly sa pamamagitan ng isang espesyal na halalan, at dahil dito ay dumami ang mga kasapi ng Tipunan at naging apat. Noong Nbyembre 2002, si Assembly Member Leland Yee (D-San Francisco) ay naihalal upang kumatawan sa 12th Assembly District, at sanhi ito uipang maging lima ang mga kasapi ng Tipunan. Noong Nobyembre 2004, si Assembly Member George Nakano ay umalis sa Assembly sanhi ng mga limitasyon sa tagal ng panunungkulan ngunit napanatili ng Tipunan ang dami ng mga kasapi nito sa pamamagitan ng pagkakahalal ni Assembly Member Alberto Torrico (D-Newark). 2003 Si Assembly Member Nakano ay nanilbihan bilang Punong-Silya ng Tipunan mula taong 2000 hanggang 2002 at sumunod sa kanya sina Assembly Member Wilma Chan at Carol Liu bilang mga magkatuwang na punong-silya ng Tipinan noong 2003. Noong 2003, naitaguyod at isinulong ng Tipunan ang mga pinahahalagahan nito sa badyet at batasan sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan nito. Sanhi ng krisis sa pondo ng Estado, maraming mga mahahalagang programa na nagsisilbi sa mga komunidad ng Asyano at Isla-Pasipiko ang ipinanukala upang matanggal o mabawasan. Isinulong ng Tipunan ang mga programang ito at naging matagumpay sila sa kanilang pagsusumikap na mapanatili ang mga programa tulad ng California Civil Liberties Public Education Program, Cash Assistance Program for Immigrants, Food Assistance Programs for Immigrants, AT acupuncture bilang isang opsyonal na benepisyo sa Medi-Cal. Matagumpay ding napatnugot ng Tipunan at napanalunan ang pagkakapasa sa parehong sangay ng kamara, ang Assembly Joint Resolution 30, na nag-udyok sa paghingi ng dispensa at pagbibitiw ni Congressman Howard Coble (R-North Carolina) para sa kanyang mga binitiwang salita sa Pagkakakulong ng mga Hapong-Amerikano. 2004 Noong Marso 2004, pinalitan ni Assembly Member Judy Chu sina Assembly Member Chan at Liu as bilang Punong-Silya ng Tipunan ng API. Ipinagpatuloy ng Tipunan ang pagsusumikap nito sa pagsulong ng mga programa at pagkilala sa mga pinahahalagahan sa badyet at batasan para sa taong 2004. Kabilang sa mga pinahahalagahan sa badyet para sa taong 2004 ay ang pagpapanatili ng mga programa sa pagtulong ng salapi ng pagkain para sa mga mandarayuhan, programang benepisyong salapi para sa mga beteranong Pilipino, at pagpopondo para sa mas mataas na edukasyon. Idinaos din ng Tipunan ang kauna-unahan nitong pagpupulong at salo-salo ng API, na pinamagatang "Speaking in One Voice" noong Hunyo 7, 2004. Ang maghapong kumperensya ay nagbuklod sa mga pinuno ng API sa buong Estado upang mapagtasahan ang katayuan ng mga ugnayang Taga-Islang Asyano Pasipiko at makabuo ng isang layunin para sa hinaharap. Ang pagpupulong ay nagtapos sa isang salu-salo na nagbibigay-parangal kay Dr. Wen Ho Lee at sa apat na mga bayani ng batasan sa komunidad para sa kani-kanilang mga kontribusyon sa komunidad ng API. 2005 Noong Marso 2005, ihinalal ng mga Kasapi ng Tipunan si Assembly Member Judy Chu at Assembly Speaker Pro-Tempore Leland Yee upang manilbihan bilang mga Magkatuwang na Punong-Silya. Noong Setyembr e2005, si Assembly Member Ted Lieu ay naihalal sa 53rd Assembly District sa isang Espesyal na Halalan. Simula nang maitatag ang Tipunan ng API, nakapagpatnugot at nakapagbigay ng suporta ang mga kasapi nito sa isang malawak na hanay ng mga panukalang-batas na nagbibigay-pakinabang sa komunidad ng API, kabilang ang mga nasa larangan ng karapatang-pantao, paggamit ng wika, pagkakaiba sa kalusugan, pag-iwas sa krimen sa pagtatangi, pagprotekta sa mamimili, at pagpapanatili ng kultura. Ang mga kasapi ay naninilbihan sa mga mahahalagang posisyon ng pamunuan sa Assembly na nagbibigay-daan sa kanila upang magkaroon ng sukdulang impluwensya sa proseso ng pagbubuo ng patakaran sa Estado at sa sumunod nitong epekto sa komunidad ng API. Si Judy Chu ang punong-silya ng Appropriations Committee, na siyang tumutukoy sa pagkakapasa ng lahat ng mga panukalang-batas na may epekto sa pagpopondo ng Estado. Si Carol Liu ang punong-silya ng Higher Education Committee kung saan ay tinitiyak niya na mapapanatili ang kakayahang makakuha ng mas mataas na edukasyon para sa lahat ng mga taga-California. Si Leland Yee, bilang Speaker pro Tempore ng Kongreso, ang namumuno sa samahan sa pang-araw-araw na layunin ng mga gawain sa Assembly Floor, kabilang ang mga debate at pagboboto ukol sa panukalang-batas. Si Wilma Chan ang punong-silya ng Committee on Health at si Alberto Torrico ang punong-silya ng Committee on Public Employees, Retirement, and Social Security. Sa loob ng limang taon nitong kasaysayan, nagsumikap ang Tipunan na matupad ang misyon nitong kumatawan sa, at isulong ang, iba’t-ibang mga inters ng mga komunidad sa API sa buong Estado. Kabilang sa iba pang mga aktibidad ng Tipunan ay ang: paninilbihan bilang isang gamit-yaman para sa komunidad at pagtulong sa mga pagsusumikap para sa pagsulong ng ipinaglalaban, pagsuporta sa isang taunang pulungan sa panukalang-batas at badyet, pagdadaos ng mga tipunang pagpupulong at pagdinig sa iba pang mga Tipunang etnio at mga pangkat ng komunida ukol sa mga isyu na may mga nasa interes ng lahat, at pagsuporta sa mga aktibidad ng bagong-taguyod na Commission on Asian Pacific Islander American Affairs. |
|||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||