|
|||||||||||||||||
|
Maligayang Pagdating | ||||||||||||||||
|
Maligayang pagdating sa website ng California Asian Pacific Islander (API) Legislative Caucus! Ngayon ay nasa ikalima na nitong taon, ipinagmamalaki ng Tipunan ng API na magsilbing kinatawan sa mga sari-saring komunidad ng API mula sa buong Estado. Sa mga kamakailan-lamang na dekada, ang California ay sumailalim sa isang malakihang pagbabago sa katangiang demograpiko, at ang mga API ay ang itinuturing bilang mga pinakamabilis na dumaraming pangkat ng lahi at etniko sa estado. Sa kasalukuyan ang komunidad ay bumubuo sa 14% ng kabuuang populasyon ng estado at isang-ikatlo ng populasyon ng API sa buong bansa. Ang layunin ng Tipunan (Caucus) ay ang isulong ang mga interes ng komunidad ng API, kabilang ang pag-ibayo ng pagiging kinatawan sa API at paglahok sa lahat ng mga antas ng pamahalaan. Ang Tipunan ng API Caucus ay binubuo ng anim na Demokratikong Kasapi ng API sa Batasan. Noong Setyembre 2005, dumami ang ating mga kasapi sa anim mula lima sa pamamagitan ng espesyal na pagkakahalal ni Assembly Member Ted Lieu (D Torrance). Inaasahan namin na maasahan ninyo ang website na ito bilang isang gamit-yaman sa pag-unawa at pagkonekta sa proseso ng pagbuo ng mga patakaran sa iyong Kapitolyo ng Estado. Mangyaring makipag-ugnayna sa amin ukol sa inyong mga saloobin at mungkahi. Nang May Katapatan, Alberto Torrico, 20th Assembly District |
|||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||