|
Mga Pinapahalagahan sa Badyet sa 2003 | Mga Pinapahalagahan sa Badyet sa 2004 Mga Pinapahalagahan sa Badyet sa 2005 | Mga Pinapahalagahan sa Badyet sa 2006 Mga Pinapahalagahan sa Pagbabatas sa 2003| Mga Pinapahalagahan sa Pagbabatas sa 2004 Mga Pinapahalagahan sa Pagbabatas sa 2005| Mga Pinapahalagahan sa Pagbabatas sa 2006
Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2006
Cash Assistance Program for Immigrants: Ipinapanukala ng Gobernador na magdagdag ng limang taon ng “sponsor deeming” (pagtatakda ng sponsor) bukod sa sampung-taong panahon na itinatakda na ngayon alinsunod sa Cash Assistance Program for Immigrants (CAPI) para sa mga matatanda at mga taong may kapansanan na pumasok sa Estados Unidos pagsapit ng o makalipas ang Agosto 22, 1996. Sa ilalim ng sponsor deeming, ang kita ng sponsor ay idinagdagdag sa kita ng mandarahuyan sa pagtukoy ng pagiging karapat-dapat, kahit na walang nakuhang kahit ano ang mandarayuhan mula sa sponsor. Ang mga patakarang ito sa pagtatakda ay humahadlang sa pagtulong sa karamihan sa mga mandarayuhang may mabababang kita, at nagiging sanhi upang hindi makuha ng mga matatanda at mga taong may kapansanan ang tulong na kinakailangan nila upang patuloy na mamuhay. Tinatantya ng badyet ng Gobernador na makakatipid ng $12.5 milyon sa naturang taon ng badyet at $40 milyon sa 2007-08.
|