|
|||||||||||||||||
|
Mga Pinahahalagahan | ||||||||||||||||
|
Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2003 | Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2004 Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2004 May kinaharap ang Estado na kakulangan sa badyet na $16.2 bilyon para sa fiscal year 2004-05, maraming mga programa na nagsisilbi sa komunidad na Taga-Islang Amerikano-Pasipiko ay ipinanukalang bawasan o tanggalin. Kinilala ng Tipunan sa Batasan ng Taga-Islang Asyano-Pasipiko ang mga pinahahalagahan sa badyet upang maprotektahan ang mga mahahalagang programang ito. Ang pinal na badyet ng taon na ito ay nakapagpondo sa lahat ng mga pinahahalagahan sa badyet ng Tipunan. Ang mga pinahalagahan para sa 2004-05 ay: Tutulan ang Blokeng Paggawad ng mga Programang Pandarayuhan Ipinanukala ni Goberbnador Schwarzenegger na pagsamahin ang pagpopondo para sa apat na mga programa sa pandarayuhan na para sa estado lamang sa iisang bloke ng paggawad para sa mga county. Ang mga programang ito ay ang: Mga Malulusog na Pamilya (Healthy Families) para sa mga may-dokumentong mandarayuhan, California Food Assistance Program (CFAP), Cash Assistance Program for Immigrants (CAPI), at CalWORKS para sa mga ligal na mandarayuhan. Ang halaga ng blokeng paggawad ay nabawasan sana ng limang porsyento. Ang epekto ng mas mababang antas ng pagpopondo na ito ay katumbas sana ng 273 na mga mas di-gutom na indibidwal na nakakatanggap ng CFAP, 984 na mga may-kapansanan at matatandang indibidwal na nakatatanggap ng CAPI, at higit sa 2,000 mas kaunting bata na nakakatanggap ng saklaw pang-kalusugan ng Healthy Families. Ayon sa panukala, napilitan sana ang mga county na piliin kung alin sa mga populasyon na ito ang babawasan. Ang panukalang bloke-blokeng paggawad ay tinayang nakapag-dulot ng $6.6 milyong katipiran sa Pangkalahatang Pondo (General Fund) sa taon ng badyet. √" Resulta: Ang mga programang pandayuhan ay ganap na pinondohan at hindi iginawad nang ayon sa bloke. Tutulan ang Paglilimita sa Pagpapalista sa mga Programang Medi-Cal ng mga Mandarayuhan Ipinanukala ni Gobernador Schwarzenegger na limitahan ang pagpapalista sa apat na mga programang pang-kalusugan na magsisilbi sa mga mandarayuhan sa antas ng Abril 2004. Ang mga programang ito ay ang: Medi-Cal para sa mga ligal na manadarayuhan sa bansa na hindi aabot sa 5 taon, Medi-Cal Prenatal Care and Long-Term Care para sa mga indibidwal na walang papeles, at Medi-Cal Breast and Cervical Cancer Program. Ang mga mandarayuhan na nangangailangan ng mga serbisyo ay ilalagay sana sa isang listahan sa pag-antabay hanggang sa may mabakante para sa mga serbisyo. Alinsunod sa mga ipinanukalang paglilimita, 11,439 na ligal na mandarayuhan, 65,900 na mga mandaruyuhang walang dokumento, at 525 na mga mandarayuhan na nakakatanggap ng Breast and Cervical Cancer Treatment ay ilalagay sana sa isang listahan sa pag-antabay para sa Medi-Cal. Ang mga paglimita ay nakapagdulot sana ng $18.2 milyong katipiran sa Pangkalahatang Pondo (General Fund) sa taon ng badyet. √" Resulta: Ganap na naponduhan ang mga programang Medi-Cal at hindi nilimitahan. Tutulan ang Pagtanggal ng California Veterans Cash Benefit Program (para sa mga Beteranong Pilipino) Ipinanukala ni Gobernador Schwarzenegger na tanggalin ang California Veterans Cash Benefit Program para makatipid ng $1.4 milyon sa Pangkalahatang Pondo (General Fund) sa kasalukuyang taon at makatipid ng $5.5 milyon sa Pangkalahatang Pondo (General Fund) sa taon ng badyet. Ang programang ito ay nagdudulot ng paggawad na salapi na may kaparehong antas ng paggawad ng SSP sa estado (tinatayang $414 bawat buwan) sa humigit-kumulang 1,700 mga beterano ng World War II na bumalik sa Republika ng Pilipinas. √" Resulta: Napanatili sa $5.5 milyon ang California Veterans Cash Benefit Program. Oppose Elimination of Outreach and Academic Preparation Programs at University of California (UC) & California State Universities (CSU) Pinanukala ni Gobernador Schwarzenegger na tanggalin ang mga programang kawang-gawa ng UC/CSU sa pamamagitan ng pagbabawas ng $85.3 milyon na suporta mula sa Pangkalahatrang Pondo (General Fund) sa taon ng badyet. Ang mga programang ito ay dinisenyo upang maihanda para sa pag-aaral ang mga nadedehadong mag-aaral sa kabuuan ng estado upang makapasok sila sa ating mga pampublikong kolehiyo at Unibersidad at pagsilbihan sa kasalukuyan ang higit sa 800,000 na mga mag-aaral na pangunahing nagmumula sa mga pangkat na may mabababang kita at minorya. Ang mga programa ay binawasan nang higit sa 50% sa badyet para sa FY 2003-2004. √" Resulta: Napanatili ang mga programa para sa Kawang-gawa at Paghahanda sa Pag-aaral. Naturalization Services Program (NSP): Ang Naturalization Services Program ay tinanggal sa Badyet ng Estado sa 2003-04. Nagdulot ito ng mga serbisyo upang matulungan ang mga ligal na permanenteng residente na makakuha ng pagkaka-mamamayan sa pamamagitan ng isang hanay ng mga di-nagpapatubong samahang pang-komunidad sa buong Estado. Sa halagang humigit-kumulang $350 bawat kliyente, ang NSP ay nagdudulot ng pasanayan at pagsuporta sa mga indibidwal na kumukuha ng kanilang pagkaka-mamamayan. √" Resulta: Naibalik ang Naturalization Services Program sa $1.5 milyon. |
|||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||