|
|||||||||||||||||
|
Mga Pinahahalagahan | ||||||||||||||||
|
Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2003 | Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2004 Mga Pinahahalagahan sa Badyet sa 2003 May kinaharap ang Estado na di pa napapantayang kakulangan sa badyet na nagkakahalagang $34.6 bilyon para sa fiscal year 2003-04, maraming mga programa na nagsisilbi sa komunidad na Taga-Islang Amerikano-Pasipiko ay ipinanukalang bawasan o tanggalin. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan nito, ang Tipunan ng Taga-Islang Asyano-Pasipiko ay kumilala ng mga pahahalagahan sa badyet upang isulong at panatilihin ang mga mahahalagang programang ito. California Civil Liberties Public Education Program Ang California Civil Liberties Public Education Program, isang napaka-matagumpay na programang pinangangasiwaan ng California State Library, ay dinisenyo sanhi ng kakulangan ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan ukol sa karanasan ng pagkakakulong ng mga Hapong-Amerikano. Ipinanukala ni Gobernador Davis na alisin ang $1-milyong programa para sa fiscal year 2003-04. " Resulta: Ang California Civil Liberties Public Education Program ay napanatili sa $500,000. Acupuncture, isang Opsyonal na Benepisyo sa Medi-Cal Ipinanukala ni Gobernador Davis ang pag-alis ng opsyonal na benepisyong Acupuncture sa Medi-Cal upang makatipid ng $2.9 milyon sa 2003-04. Ipinanukala ng Gobernador na tanggalin ang labing-walong magkakaibang mga opsyonal na benepisyo sa 2003-04 upang makatipid ng $361.8 milyon. Bagaman itiunuturing ng pamahalaang federal ang acupuncture bilang isang opsyonal na bahagi ng sistema ng Medi-Care, sa maraming mga baagi ng komunidad ng API ang acupuncture ay isang mahalagang sangkap ng pangangalagang pang-medikal. Maraming mga kasapi ng ating komunida ang gumagamit ng acupunture bilang kanilang unang pagpipilian sa pagpapagamot, at mapagdadamutan sila ng pangangalaga kapag inialis ang opsyonal na benepisyong ito. " Resulta: Ang panukala sa acupuncture ay tinanggihan ng Batasan. Cash Assistance Program for Immigrants (CAPI): Pinanukala ni Gobernador Davis na alisin ang CAPI sa antas ng Estado, at ilipat ang pagkontrol ng pondo at ng programa mula sa Estado patungo sa mga county. Sa fiscal year 2003-04, may tinatayang 10,969 na mga indibidwal ang nakakatanggap ng CAPI buwan-buwan. Ang CAPI ay nagdudulot ng salaping tulong sa mga ligal na mandarayuhan na may mabababang kita at matatanda o may-kapansanan na nabigong makasali para sa SSI/SSP dahil lamang sa kanilang katayuan sa pagkaka-mamamayan. Alinsunod sa panukala ng Gobernador sa paglilipat ng programa, ang $95.3 milyong halaga ng CAPI ay nailipat sana sa mga county. Ang mga county ang magkakaroon ng ganap na pagpapasya ukol sa programa at sa gayon ay maaaring mabawasan ang mga antas ng benepisyo, malimitahan ang pagiging karapat-dapat, o maaari ding tuluyang maitigil ang pagdudulot ng mga serbisyo. " Resulta: Ang programang CAPI ay napanatili sa atnas ng Estdo at hindi nailipat. California Food Assistance Program (CFAP): Pinanukala ni Gobernador Davis na alisin ang CFAP sa antas ng Estado, at ilipat ang pagkontrol ng pondo at ng CFAP mula sa Estado patungo sa mga county. Sa fiscal year 2003-04, may tinatayang 101,279 na mga indibidwal ang nakakatanggap ng CFAP buwan-buwan. Ang CFAP ay nagdudulot ng mga food coupon sa mga ligal na mandarayuhan na nabigong maging karapat-dapat na makatanggap ng mga federal Food Stamps sanhi lamang ng kanilang katayuan sa pagkaka-mamamayan. Alinsunod sa panukala ng Gobernador sa paglilipat ng programa, ang $113.7 milyong halaga ng CFAP ay nailipat sana sa mga county. Ang mga county ang magkakaroon ng ganap na pagpapasya ukol sa programa at sa gayon ay maaaring mabawasan ang mga antas ng benepisyo, malimitahan ang pagiging karapat-dapat, o maaari ding tuluyang maitigil ang pagdudulot ng mga serbisyo. " Resulta: Ang programang CFAP ay napanatili sa atnas ng Estdo at hindi nailipat. Naturalization Services Program (NSP): Ang Naturalization Services Program ay nagdudulot ng mga serbisyo upang matulungan ang mga ligal na permanenteng residente na makakuha ng pagkaka-mamamayan sa pamamagitan ng isang hanay ng mga di-nagpapatuibong samahang pang-komunidd sa buong Estado. Sa halagang humigit-kumulang $350 bawat kliyente, ang NSP ay nagdulot ng pasanayan at pagsuporta sa mga indibidwal na kumukuha ng kanilang pagkaka-mamamayan. Ipinanukala ni Gobernador Davis na alisin ang Naturalization Services Program, upang makatipid ng $1.3 milyon sa Pangkalahatang Pondo (General Fund) sa fiscal year na 2002-03 at $2.9 milyon sa fiscal year na 2003-04. Resulta: Natanggal ang Naturalization Services Program. |
|||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||